Sabi ko noon, kung malalaman kong niloloko ako ng lalaki agad agad kong iiwan yon. No ifs and buts. No explanations needed. Pero eto ako. Nilulunok lahat ng salitang nabitawan ko noon. Tinanggap ka ng ganon kadali. Walang nabitawang masasamang salita laban sayo. Siguro ayaw ko lang masaktan ka. Tama na sigurong ako lang yung nasasaktan. Sinusubukang maging normal ang bawat oras na nagdaraan na para bang wala kang nagawang kasalanan. Kahit na paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko kung anong bang mali sakin? Ano bang kulang? Anong nagawa ko para magawa mo sakin ang mga bagay nato? Kasalanan ko ba? Hindi na ba kita napapasaya?
Heyyyanie ♡
No comments:
Post a Comment